-- Advertisements --
Umaasa pa rin ang Philippine Hotel Owners Association (PHOA) na mapupuno pa rin ng mga bisita ang ilang mga tourist destination sa bansa ngayong panahon ng UNDAS.
Ito ay kahit na dumaan ang bagyong Kristine sa bansa.
Ayon kay PHOA Executive Director Benito Bengzon, na maaring magkaroon ng pagbaba ng bilang ng mga turista sa mga bahagi ng dinaanan ng bagyo.
Ang All Saint’s Day kasi ay isa sa mga itinuturing ng mga hotel owners na ‘peak season’ sa bansa.
Tuwing mga peak season ay nagkakaroon ng mula 80 hanggang 90 percent ang bookings.