-- Advertisements --

Inilagay sa lockdown ang isang hotel sa Hawaii matapos na paglusob ng isang armadong lalaki.

Ayon kay Honolulu police Capt. Brian Lynch nakatanggap sila ng tawag mula sa Kahala Hotel and Resort matapos na makarinig ng limang putok ng baril ang mga guest ng hotel.

Wala namang naitalang nasugatan sa nasabing insidente.

Mabilis namang pinalikas ang ibang guest ng hotel.

Patuloy pa rin ginagawang negotations ng mga kapulisan sa nasabing suspek.