KALIBO, Aklan – Halos “fully booked” na ang mga hotels sa isla ng Boracay sa dami ng mga bumibisitang turista ngayong Semana Santa.
Todo enjoy ang mga tao sa paliligo sa dagat kahit tirik ang araw at patok rin ang iba’t ibang water sports activities.
Maraming turista ang namangha dahil maliban sa malinis na dalampasigan ay lumapad rin ito.
Isa rin sa paboritong pasyalan ng mga bakasyunista ay ang grotto sa isla.
Samantala, dahil bawal na ang beach party sa muling pagbubukas ng Boracay, inaasahang lalo pang tatahimik ang isla sa Biyernes Santo.
Inaabangan din sa nasabing araw ang Senakulo sa beachfront mula Manomanoc hanggang Balabag.
Nasa 51,000 na turista ang inaasahang pupunta sa Boracay.
Batay sa pinakahuling talaan ng Department of Tourism, umaabot na sa 339 ang accredited hotels at resorts na may kabuuang 12,083 na kwarto.
Pinapaalalahanan rin nito ang mga turista na sumunod sa mga alintuntunin upang makaiwas sa multa.