-- Advertisements --
Tinalo ng Magnolia Hotshots ang Converge FiberXers 83-71 sa PBA Philippine Cup.
Ito ang pangalawang sunod na panalo ng Magnolia sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Colisuem.
Ayon kay Magnolia coach Chito Victolero na kaniyang ginamit ang mga beteranong manlalaro kung saan naing maganda ang kanilang pagtutulungan.
Nanguna sa panalo ng Magnolia si Zav Lucero na nagtala ng 18 points, limang rebounds, dalawang assists at dalawang blocks habang mayroon ding 18 points, siyam na rebounds at apat na rebounds si Ian Sangalang.
Mayroon ng dalawang panalo at wala pang talo ang Hotshots habang ang Converge ay mayroong isang panalo at dalawang talo.
Nasayang ang nagawang tig-14 points nina Schonny Winston at Justin Arana para sa FiberXers.