-- Advertisements --
HOTSHOTS
HOTSHOTS/ PBA PHOTO

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Magnolia Hotshots matapos talunin ang Rain or Shine 82-74 at maitala ang 3-2 na kalamangan sa best of seven semifinals ng 2019 PBA Philippine Cup.

Itinuturing na naging bida sa panalo ng Magnolia si Rafi Reavis matapos na maipasok ang lima sa huling siyam na puntos ng koponan.

Naging isang hamon sa koponan ang pagsisimula ng laban matapos na magsimula sa 0-2 ang serye.

Sinabi naman ni Hotshots coach Chito Victolero na kanilang gagawin ang lahat ng makakaya para matapos na ang serye sa Biyernes at makapasok na sila sa finals.

Nagtala ng tig-14 points sina Jio Jalalon at Mark Barroca habang mayroong siyam na puntos si Reavis.