-- Advertisements --

Nakuha ng Magnolia Hotshots ang dalawang sunod na panalo matapos talunin ang Columbian Dyip 110-103 sa nagpapatuloy PBA Commissioner’s Cup.

Kapwa nagtala ng 22 points sina James Farr at Ian Sangalang habang mayroong 21 points si Paul Lee.

Hawak pa ng Columbian ang kalamangan sa third quarter na umabot pa sa 14 points subalit sa pagtutulungan nina Lee, Sangalang at Farr ay nakuha nila ang panalo.

Ikinatuwa naman ni Magnolia coach Chito Victolero ang panalo dahil kahit na may jet lag pa si Farr ay nagwagi ito.