-- Advertisements --

Nalusutan ng Magnolia Hotshots ang Blackwater 81-77 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa lungsod ng Maynila.

Bumida sa panalo ng Magnolia si Mark Barroca na nagtala ng 19 points, limang rebounds , tatlong assists at dalawang steals.
Mayroon namang tig-10 points sina Calvin Abueva, Ian Sangalang at Paul Lee.

Mula sa simula ay hawak ng Hotshots ang kalamangan kung saan mayroon 17 points sila sa pagpasok ng last quarter.

Nabawasan ng Bossings ang kalamangan 71-76 sa natitirang 1:36 minuto ng laro.

Mayroon ng apat na panalo at dalawang talo ang Magnolia habang ang Bossing ay mayroong tatlong panalo at limang talo.