Inangkin ng Magnolia Hotshots ang 92-86 panalo sa 2019 PBA Philippine Cup na ginanap sa Xavier University Gym sa Cagayan De Oro City nitong Sabado.
Ito ang unang panalo ng Hotshots matapos lumagapak sa 0-3 panimula sa torneyo.
Sa kabila nito, nananatili namang nasa ilalim ng standing ang Magnolia.
Nakaligtas ang Hotshots mula sa paghahabol ng Bolts sa nalalabing dalawang minuto ng huling yugto.
Kumubra ng team-high na 19 points, siyam na rebounds at apat na assists si Jio Jalalon upang pangunahan ang Magnolia.
Mula naman sa bench ay tumulong din si Paul Lee na pumoste ng 15 points, habang may 11 naman si Mark Barroca.
Nasayang naman ang 22-point, 7-board performance ni Chris Newsome para sa Bolts, na tinanggap ang kanilang ikalimang kabiguan sa pitong laro.
Narito ang mga iskor:
MAGNOLIA 92 – Jalalon 19, Lee 15, Sangalang 12, Barroca 11, Melton 7, Dela Rosa 7, Simon 6, Ramos 6, Brondial 5, Reavis 2, Herndon 2.
MERALCO 86 – Newsome 22, Amer 18, Hodge 13, De Ocampo 9, Canaleta 8, Pinto 6, Hugnatan 5, Tolomia 2, Salva 2, Caram 1, Quinto 0, Jamito 0.