-- Advertisements --

Pasok na sa Magnolia Hotshots sa playoffs ng PBA 49th Season Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos na tambakan at ilaglag ang NLEX 112-81 sa kanilang knockout game na ginanap sa Ynares Center sa lungsod ng Antipolo.

Bumida sa panalo ng Magnolia si Ricardo Ratliffe na nagtala ng 32 points, 14 rebounds at dalawang blocks.

Nag-ambag naman ng 14 points, anim na rebounds si Zavier Lucero habang mayroong tig-13 points sina Rome Dela Rosa at Ian Sangalang.

Pinuri ni Magnolia coach Chito Victolero, ang kanilang import dahil sa sipag na kaniyang ipinakita.

Mula sa simula ng laro ay hawak ng Magnolia ang kalamangan 68-37 sa pagtatapos ng second half.