Binigyang diin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagtutol sa House Bill No. 77 o ang Human Rights Defenders’ Protection Bill dahil ito raw ay isang malaking banta sa demokrasya ng bansa.
Sakali umanong maipasa ang nasabing panukalang batas ay sasalungat ito sa ilang mga naisapabatas na tulad ng Anti-Terrorism Act, Anti-Money Laudering Law at ang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act.
Tinutukoy sa House Bill No. 77 na ito, na ang “human rights defenders” ay ang sino mang indibidwal o asosasyon na nagnanais na proteksyonan ang karapatan ng isang tao mapa local, national, regional at international level man.
Hinahangad rin sa panukalang batas na ito ang pagrespeto sa mga human rights defenders.
Ang ano mang pananakot, pag label tulad ng “communist” “terrorist” o “enemies of the state” sa mga human rights defenders ay pinipigilan ng panukalang batas na ito.
Hinihikayat ni Justice Miranda ang mga Pilipino na ireject ang panukalang batas na ito.