Inaprubahan na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang Resolutin of Both Houses No. 2 o ang panukalang amiyenda sa “restrictive” economic provisions ng 1987 Constitution.
Idinaan sa viva voce o voice votes ang pag-apruba nitong gabi ng Miyerkules sa Resolution of Both Houses No. 2 na iniakda mismo ni House Speaker Lord Allan Velasco.
Kasama sa mga pinapaamiyendahan ay ang Article XII o Natonal Patrimony and Economy; Article XIV o Education, Science, Technology, Arts, Culture and Sports; at Article XVI o General Provisions.
Hindi na naman isasama sa mga aamiyendahan ang Section VII ng Article XII na tumutukoy sa pagmamay-ari ng lupa ng mga dayuhan.
Isisingit ang katagang “unless otherwise provided by law” para luwagan ang limitasyon sa foreign ownership pagdating sa natural resources, public utilities, educational institutions, media at advertising sa Pilipinas.
Sa ganitong paraan, nakikita ng mga mambabatas na nagtutulak ng economic charter change ang paglago ng ekonomiya dahil ma marami umanong foreign direct investments ang inaasahang papasok sa bansa.