Nakatakdang magkaroon ng imbestigasyon sa Miyerkules, Abril 26 ang House Committe on Dangerous Drugs kaugnay ng umano’y cover-up ng PNP officials sa P6.7-billion na halaga ng nasabat na shabu.
Ito ay bahagi ng motu proprio inquiry na naaabing komite patungkol sa shabu haul.
Kung matatandaan, Oktubre noong nakaraang taon ay nakuha ng kapulisan ang 990 kilos na shabung nakatago sa opisina ng lending company ni Police Master Sgt Rodolfo Mayo ng PNP Drug Enforcement Group.
Inimbitahan ng komite ang 40 PNP officials na sangkot sa nasabing isyu gayundin kay Mayo.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng BJMP sa Camp Bagong Diwa si Mayo, at hindi pa nasisiguro kung ito ay makakadalo sa gagawing imbestigasyon.
Ayon sa mambabatas, maganda raw sana kung makadalo si Mayo upang maging malinaw ang isyung ito.