-- Advertisements --
Ikinagalit ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang pagsuspendi ng kani yang facebook account na Teacher France Castro.
Sinabi nito na nakatanggap siya ng mensahe sa Meta ang mother company ng Facebook na kaya sinuspendi ang kaniyang account dahil ito ay nagpapanggap umano bilang si Castro.
Dagdag pa nito na ang nasabing suspension ng kaniyang account ng 180 araw ay oppressive at baseless.
Giit nito na walang siyang iniimpersonate dahi siya mismo ang may-ari ng nasabing account.
Hinihintay na lamang niya ang mga kasagutan ng Meta matapos niya ito ng sulatan.