-- Advertisements --

Itinanggi ni House Deputy Speaker at Batangas Representative Ralph Recto ang ulat na siya ang susunod na magiging finance secretary kapalit ni Sec. Benjamin Diokno.
Sa isang panayam sinabi ni Recto na wala siyang ideya sa mga lumulutang na ulat.

Ayon kay Recto, hindi siya makakapag-komento dahil ang usapin ng appointment ay desisyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Sa ngayon aniya ay nakatutok siya sa 2024 General Appropriations Bill o GAB, bilang isa sa mga miyembro ng House contingent.

Pero nang usisain ang kanyang pagkakasama sa delegasyon ng Presidente sa nakalipas na APEC Leader’s Summit sa Amerika, ang tugon si Recto ay kinakatawan niya ang Kamara.

Nauna nang lumabas ang report na papalitan ni Recto sa DOF si Sec. Benjamin Diokno.