Ikokonsidera ng House Ethics panel sa paglilitis nito sa kaso ni suspended Negros Oriental lawmaker Arnolfo Teves, Jr. ang pag-tag ng Anti Terrorism Council sa mambabatas bilang terorista.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, ipagpapatuloy ng Ethics committee ang pagiimbestiga sa kaso ng mambabatas.
Wala pa aniyang desisyon sa ngayon ang komite dahil may due process na sinusunod.
Bagamat natanggap na ng House ang kopiya ng desisyon sa pagtag kay Cong Teves bilang terorista nitong umaga ng Martes.
Sa ngayon nasa labas pa rin ng bansa ang kongresista simula nang mangyari ang Pamplona massacre na una ng sinuspendi dahil sa patuloy na pagliban sa trabaho kung saan nagpaso na ang extended suspension na ibinigay kay Teves noong Lunes, Hulyo 31.
Nito namang Martes sa pagpapatuloy ng proceedings ng Ethic committee sa kaso ni Teves, sinabi ni Velasco na nagtagal ito dahil iba’t ibang resource person ang dumalo.
Kabilang dito ang mga opisyal mula sa ATC, Justice department, National Bureau of Investigation (NBI), at Department of Foreign Affairs.
Kung matatandaan, una ng naghain ng kasong murder ang NBI laban kay Cong. Teves may kinalaman sa Degamo slay case subalit marami sa mga testigo ay binawi rin ang kanilang naging testimoniya.