Aminado si House Committee on Legislative Franchises vice chairman Antonio Albano na matinding pressure ang nararanasan ng komite mula kina Pangulong Rodrigo Duterte at ABS-CBN patungkol sa franchise renewal application ng naturang media giant.
Sinabi ni Albano na mismo ang Pangulong Duterte ang may ayaw na ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN dahil sa umano’y hindi pag-ere ng election campaign nito noong 2016.
Hindi rin aniya nila maikakaila ang pressure mula sa mga balitang inilalabas ng Lopez-led broadcast company, kaya dapat na maging mas maingat ito sa salitang ginagamit sa pamamahayag hinggil sa kanilang prangkisa na nakatakdang mapaso sa Marso 30 ng taong kasalukuyan.
Sa kabila nito, tinitiyak ni Albano kumikilos ang kanilang komite para aksyunan ang 11 panukala para sa franchise renewal application ng ABS-CBN.
Subalit umaapela ang kongresista na pabayaan na lamang silang gampanan ang kanilang trabaho.