-- Advertisements --

Naisapinal na ng House impeachment managers ang pagpresenta ng kaso laban kay dating US President Donald Trump.

Ipinaggiitan ng mga impeachment managers na malinaw ang ginawa ni Trump na panghihikayat sa kaniyang mga supporters na guluhin ang capitol noong kasagsagan ng bilangan.

Sinabi ni lead impeachment manager Jamie Raskin na dapat pairalin ng mga mamamayan ang kanilang common sense dahil malinaw ang ginawang panggugulo ng mga supporters ni Trump.

Sa panig ni impeachment manager Joe Neguse na malinaw ang ginawang panghihikayat ni Trump sa mga supporters nito.

Hinikayat nito ang mga mambabatas na tuluyang kasuhan si Trump dahil sa nangyaring kaguluhan noong Enero 6.

Ipinaliwanag naman ni Rep. Ted Lieu ang kahalagahan ng pag-impeach kay Trump.

Sinabi nito na kapag kinasuhan na si Trump ay magiging ehemplo na siya sa ibang mga lider na mali ang ginawa nitong panghihikayat sa mga supporters na manghikayat ng kaguluhan.

Bibigyan naman ng pagkakataon ang kampo ni Trump na kuwestiyunin ang mga kasong isasampa laban sa dating pangulo .