GENERAL SANTOS CITY – Suportado ni GenSan Vice Mayor Sherlene Nograles ang pagsasagawa ng Congressional inquiry para malaman ang katotohanan na forex (foreign exchange) ang pinagmulan ng pera ng mga investment scheme kagaya ng KAPA (Kabus Padatoon) na sinasabi ng iba na isang scam.
Para kay Nograles, mas mabuti na magsagawa ng “investigation in aid of legislation” dahil ang bansa ay walang foreign exchange at kung totoo man ay nangailangan ng batas sa forex ang ating bansa.
Unang sinabi ng bise alkalde na naawa ito sa mga empleyado na nagsanla ng mga ari-arian para mag-invest, habang ang iba ay nag-loan pa sa kanilang suweldo.
Ito’y makaraang sinabi na 95 porsiyento sa mga kawani nitong lungsod ang apektado sa paghinto ng operasyon ng KAPA.
Naiintindahan umano nito ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pahintuin ang pyramiding scheme.
Nangyari ang panawagan ng vice mayor kasabay ng pamamaalam sa City Hall matapos ang siyam na taon na panungkulan sa lungsod.