Dinipensahan ng isang lider ng Kamara ang pagtaas ng pondo ng House of Representatives, sa ilalim ng 2025 National Budget.
Una nang dinagdagan ng Bicameral Conference Committee ng nasa P17.3 billion ang pondo ng Kamara, habang P1.1 billion para sa Senado.
Ibig sabihin, mula P31.3 billion sa ilalim ng House Bill 10800, naging P50 billion na ang alokasyon para sa dalawang Kapulungan ng Kongreso.
Sinabi ni House Deputy Majority Leader Jude Acidre na makatwiran ang dagdag-budget para sa Kamara, dahil gagamitin ito sa pag-aayos ng gusali at mga pasilidad sa Batasan Complex.
Paliwanag niya, hindi naman bago ang Batasan Complex na 1980’s pa. Pero ngayon ay nakikita ang “improvement” at marami nang nabago gaya sa imprastraktura.
Dagdag niya, sa ngayon ay mahigit tatlong daan ang mga kongresista pero sa totoo lamang ay nagkukulang na sa mga opisina, at kulang sa mga tanggapan para sa committee hearing so meetings.
Kaya naman tama lamang na magkaroon ang Kamara ng pagtaas sa alokasyon para magamit sa tuloy-tuloy na pagsasaayos.