Hindi na nasurpresa ang mga lider ng Kamara na maraming Pilipino ang sumusuporta sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Batay sa isang survey 41 percent sa mga Pilipino suportado ang pagpapatalsik sa pwesto sa pangalawang pangulo dahil sa napakaraming ebidensiya hinggil sa maling paggamit ng pondo.
Ito ang reaksiyon nina House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun at Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V.
Ayon sa dalawang house leaders ang nasabing survey ay pagpapakita na hindi nagustuhan ng mga Pilipino ang maling paggasta sa P612.5 million confidential funds na inallocate sa Office of the Vice President (OVP) at sa Department of Education (DepEd) nuong si VP Sara pa ang kalihim.
Sinabi ni Khonghun nais ng publiko magkaroon ng pananagutan sa paggasta sa pondo ng bayan.
Sa ngayon tatlong impeachment cases na ang inihain sa Kamara laban kay VP Sara kung saan inaaakusahan ito ng gross incompetence, betrayal of public trust at deliberate misuse of public funds.
Sa panig naman ni Rep. Ortega na deserve ng mga Pilipino na malaman ang katotohanan at ang kanilang suporta sa impeachment ay pagpapakita na kailangan magkaroon ng transparency at hustisya.