Tinawag na fake news ng dalawang lider ng Kamara de Representantes ang pahayag ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na dumami ang bilang ng krimen ngayon kaysa noong panahon ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon kay House Assistant Majority Leader Jay Jhonghun sa naging banat ni Mayor Baste na makikita na talagang may disinformation dahil mas mataas ang crime rate noong panahon ni dati Pangulong Duterte kaysa sa ngayon sa panahon ni Presidente Marcos.
Tinukoy ni Khonghun, na siyang tagapangulo ng House Special Committee on Bases Conversion, ang datos ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ni Khonghun na hindi nagsisinunglaing ang data ng DILG, kung saan noong July 1, 2016 hanggang Abril 2018, umabot sa 196,000 plus ang naitalang crime index noong mga panahon na ‘yon. At sa ngayon, sa ilalim ni President Bongbong Marcos, bumaba ito sa 71,500 plus.
Dapat aniya ay kilalanin ang matagumpay na pagpapababa ng Marcos administrasyon sa bilang ng krimen.
Dagdag pa ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union na hindi nagsisinungaling ang mga numero, na sinasalamin ng mga survey, na patotoo na ang kampanya kontra kriminalidad ay hindi kailangan maging madugo.
Batay aniya sa record ng PNP, nakapagtla ng 3,528 na kaso ng focus crimes mula Enero 1 hanggang Pebrero 14, 2025 o katumbas ng 26.76 percent na pagbaba mula sa 4,817 na kaso sa kaparehong panahoon noong nakaraang taon.
Kabilang sa mga krimen na ito ang pagnanakaw, pandurukot, panggagahasa, murder, homicide, physical injury, at ‘car-napping’ ng mga motorisklo at iba pang motor vehicles.
Ayon sa PNP nagkaroon ng signipikanteng pagbabaa ngayong taon ang insidente ng rape sa 623 na kaso mula sa 1,261 o halos kalahati.
Batay sa year-on-year data nagkaroon ng 7.31% na pagbaba sa focus crimes sa 41,717 na insidente noong 2023 sa 38,667 na lang nitong 2024.