Hinamon ng mga mambabatas si Vice President Sara Duterte na pangalanan ang mga nagpapakalat ng maling balita o impormasyon kaugnay sa impeachment issues.
Sa naging pahayag ni VP Sara, sinabihan siya ng kanilang mga illang kaibigan sa House of Representatives hinggil sa umanoy nilulutong impeachment laban sa kaniya.
Muling itinanggi ng mga mambabatas na walang katotohanan ang isyung impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin na wala siyang naririnig na mga usap usapan hinggil sa impeachment laban sa pangalawang pangulo.
Giit pa ni Garin na ilang oras ang ginugugol niya sa Kamara, wala naman siyang naririnig na impeachment.
Sa ngayon abala ang mga mambabatas sa pag scrutinize sa 2025 national budget ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan.
Ayon kay Garin sa serbisyo publiko kasi may mga indibidwal na nais lamang makakuha ng atensiyon.
Hamon naman ni La Union Rep. Paolo Ortega na pangalanan ni VP Sara kung sino sa mga kaibigan nito sa Kamara na nagsasabi na siya ay i-impeach ng sa gayon mabatid kung ang mga ito ay may pansariling interes.
Ayon naman kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, tuldukan na ang isyung impeachment dahil wala naman itong katotohanan.