-- Advertisements --

Hinimok ng house leaders si Vice President Sara Duterte na kumbinsihin ang kaniyang asawa si Atty. Manases “Mans” Carpio,at ang kapatid na si Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte na humarap sa imbestigasyon at sabihin ang katotohanan hinggil sa mga alegasyon ng testigong si Jimmy Guban.

Ayon kina House Deputy Majority Leader Jude Acidre at House Assistant Majority Leader Jil Bongalon na huwag nang ilihis ni VP Sara ang isyu dahil hindi ito nakakatulong, mas maigi na kumbinsihin ang mga ito na sagutin ang mga alegasyon.

Tinitiyak naman ng Kamara kay VP Sara na bibigyan ng courtesies at respeto sina Atty Mans at Cong. Pulong dahil sa kanilang stature.

Walang halong pulitika, pawang katotohanan lang ang pakay ng Quad-Comm ayon kay Acidre.

Kung maalala nuong Biyernes sa isinagawang pagdinig ng Quad Committee ibinunyag ng testigong si Guban na sangkot sa illegal na droga ang asawa ng pangalawang pangulo, ang kapatid na si Cong Pulong at dating presidential adviser na si Michael Yang.

Sa ngayon wala pang iskedyul na inilabas ang Kamara hinggil sa pagdinig ng Quad Committee.