Kinundena ng dalawang house leades ang ginawang pahayag ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa pagsabi na hindi ito susuko sa Quad Committee kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa POGO, illegal drugs, EJK at Human trafficking at ito ay indikasyon na guilty ito.
Una ng binanatan nina Sta Rosa City Rep. Dan Fernandez at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers si Roque dahil sa hindi nito pagdalo sa pagdinig at hindi pagsumite ng mga hinihinging dokumento dahilan na pinatawan siya muli ng contempt.
Una ng pinuri nina Barbers at Fernandez ang PNP dahil sa pagsali na sa manhunt operations laban kay Roque na idiniklara ng pugante.
Kapwa binigyang-diin ng dalawang house leaders na ang pagtanggi ni Roque na makipagtulungan sa imbestigasyon ng Kamara ay lalong nagbibigay ng duda na siya ay inosente.
Kung walang itinatago ni Roque hindi ito dapat magtago at isumite ang mga kinakailangang dokumento.
Inihayag ni Fernandez na layon ng Komite na mabatid ang katotohanan kaya dapat lamang linawin ni Roque ang kaniyang pangalan.
Sinigundahan naman ni Barbers ang pahayag ni Fewrnandez na king naniniwala si Roque sa transparency and accountability dapat siya humarap sa Quad Comm.