Nagpasalamat ang house leaders kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa pag respeto nito sa constitutional mandate ng Kongreso na aksiyunan ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Una ng itinanggi nina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, Deputy Speaker JayJay Suarez at Majority Leader Mannix Dalipe kaugnay sa umano’y pakiki-alam ng Malakanyang sa isyu ng impeachment.
Giit ng tatlong house leaders ang lehislatura ay nag-ooperate independently at kanila lamang sinusunod ang kanilang mandato.
Ayon sa lider ng Kamara hindi ito isyu patungkol sa pulitika kundi ito at constitutional duty bilang mga mambabatas.
Sa panig naman Rep. Suarez hindi ang administrasyon ang nanguna sa paghain ng impeachment complaint kundi ibat ibang mga grupo.
Inihayag ni Majority Leader Mannix Dalipe na hindi sila kumukuha ng direktiba mula sa Palasyo dahil ang Kongreso ay isang independent branch of government.
Dinepensa din ng Kamara si Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos kaugnay sa mga kritisismo na ipinupukol sa kaniya matapos unang lumagda sa impeachment complaint.
Pinasingungalingan din ang isyu na binigyan ng ayuda ang mga mambabatas bilang kapalit sa paglagda sa impeachment sinabing ang mga alegasyon ay walang basehan.
Sa kabilang dako, binigyang-diin ni Pangulong Marcos, ginagawa lamang Kongreso ang kanilang tungkulin na tugunan ang impeachment complaint na inihain ng ilang grupo laban kay Vice President Sara Duterte.
Sabi ni Pangulong Marcos, hindi ito matatawag na defiance dahil tinutugunan lamang naman ng mga mambabatas ang mga inihaing impeachment complaint.
Alinsunod aniya ito sa batas at sa mandato ng mga Kongresista, kaya’t tali ang kamay ng mga ito.