-- Advertisements --

Nanawagan ang dalawang house leaders kay dating Presidential spokesperson Harry Roque na bumalik na lamang sa bansa at harapin ang mga asunto na ipinupukol laban sa kaniya.

Ginawa nina Rep. Paolo Ortega at Rep. Zia Alonto Adiong ang panawagan kasunod ng pagbuo ni Vice President Sara Duterte ng legal team para sa kaniyang ama na si ex- President Rodrigo Duterte kung saan hindi kasama si Roque.

Ang dating Pangulo ay nahaharap sa kasong crime against humanity sa International Criminal Court.

Sinabi ng dalawang lider ng Kamara na ang pinaka magandang gawin ni Roque ay bumalik sa bansa at harapin ang Quad Comm.

Ayon kay Ortega na maraming mga katanungan ang dapat sagutin ni Roque sa Komite.

Nagbigay din ng kaniyang opinyon si Adiong kung bakit hindi nasama bilang legal counsel si Roque ito ay dahil posibleng magbigay lang ito ng problema.

Batid ng Bise Presidente na may kinakaharap na isyu si Roque gaya ng pagkakasangkot nito sa iligal na operasyon ng POGO at human trafficking.

Binigyang-diin ni Adiong ang pagtatago ni Roque ay intensiyonal dahil ayaw nitong humarap sa quadcom.

Ang mga kasong ihahain laban kay Roque ay base sa actual evidence.