Dalawang pinuno ng House of Representatives ang nanawagan para sa mas mahigpit na screening measures para sa mga Chinese students na papasok sa bansa.
Kasunod ito sa lumalalang isyu sa seguridad.
Ginawa nina Assistant Majority Leaders Jil Bongalon (Ako Bicol Party-list) at Francisco Paolo Ortega V (La Union, 1st District) ang panawagan habang nagpulong ang Inter-Agency Committee on Foreign Students (IACFS) upang talakayin ang pagdagsa ng mga Chinese na nag-aaral sa Pilipinas.
Sinabi ni Bongalon dapat sumailalim sa isang napakahigpit na proseso ang mga Chinese students.
Ipinunto ni Bongalon ang pangangailangang tiyakin na ang mga dayuhang estudyanteng ito ay hindi nagdudulot ng panganib sa seguridad o banta sa Pilipinas.
Binigyang-diin naman ni Ortega ang kahalagahan ng inter-agency collaboration sa pagtugon sa mga isyu tulad ng pagdagsa ng mga dayuhan.
Inihayag ni Ortega na dapat ang ating mga national agencies na may projections sila kung bakit sa Cagayan nagkaroon ng influx ng mga estudyante.
Itinutulak ngayon sa Kamara ang gagawing imbestigasyon hinggil sa influx ng mga Chinese students sa bansa.