-- Advertisements --
Naniniwala ang mga leader sa Kamara na hinadlangan ni Vice President Sara Duterte ang pagtestigo ni dating Education Spokesperson Atty. Michael Poa ukol sa umano’y mga anomalya sa ahensya na magagamit sa impeachment trial.
Ito’y matapos ang kumpirmasyon na magiging bahagi si Poa ng defense team ni Duterte sa impeachment trial
Ayon kay House Assistant Majority Leader Jude Acidre na pinipigilan nito si Poa na maglahad ng katotohanan dahil magagamit nila ang prinsipyo ng “lawyer and client confidentiality”.
Titingnan aniya sa impeachment trial kung mangingibabaw sa puso ng dating tagapagsalita ang bayan o pulitika lalo’t may mga tanong sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability na hindi pa nasasagot.