Pinuri ng mga lider ng Kamara de Representantes ang pag aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na tinawag itong malaking tagumpay para sa hustisya at pananagutan.
Ayon kina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ng Pampanga at House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union, ang hakbang ng ICC ay nagpapatunay na walang sinuman ang nasa itaas ng batas kahit dating pangulo pa ito.
Sinabi ni Gonzales na patunay din ito na hindi tino-tolerate ng international community ang crimes against humanity at maging ang mga responsable sa extrajudicial killings ay dapat managot.
Sinabi ni Gonzales dapat itigil na ng kampo ni dating Pangulo Duterte at ng kaniyang mga kaalyado na ang pag-aresto ay isang political move.
Binigyang-diin naman ni Rep. Ortega na ang pananagutan ay walang borders at wala ding expiration ang hustisya.
Panawagan din ni Ortega sa kampo ni Duterte na itigil na ang pagbibigay ng mga dahilan bagkus harapin nito ang mga kaso laban sa kaniya.
Giit ni Ortega itigil na ang pagiging biktima dahil deserve ng mga pamilya ng EJK victims ng hustisya.