Nanawagan ang ilang mambabatas sa Senado na maglaan ng panahon na talakayin ang mahahalagang usapin na malapit sa pangangailangan ng publiko.
Pakiusap ni Rep. Mikaela Suansing ng unang distrito ng Nueva Ecija na pag-usapan na rin ng Senado ang pag-amyenda ng Rice Tarification na inaasahang maaprubahan sa ikalawang pagdinig ng Kamara sa Miyerkules.
Hangad din ng Kamara na maipatupad ito sakali mang maging batas sa Hulyo, kung inaasahang magkakaroon na ng mabibiling bigas ang publiko sa halagang 30 piso kada kilo.
Giit ni Suansing-ang sponsor at co-author ng panukalang amended RTL, ang panukala ay makakatugon para mapababa ang presyo ng bigas, gayundin ang pagpapatatag sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.
Pinuna rin ng ilang mambabatas ang isinasagang pagdinig sa Senado kaugnay sa PDEA leaks, na bukod sa walang makitang malinaw na layunin ay inilalagay pa sa masamang imahe ang bansa, dahil sa pag-uugnay sa punong ehekutibo at ilan pang personalidad sa ilegal na droga.
Sinabi nina Representatives Janet Garin ng Iloilo, Geraldine Roman ng Bataan,Jonathan Keith Flores ng Bukidnon, at Rodge Gutierrez ng 1 Rider Partylist, na matapos ang tatlong pagdinig ng Senado ay hindi pa rin malaman ang tunay na intensyon o malilikhang batas sa
isinasagawang imbestigasyon lalo’t kaduda rin ang mga naiimbitahang mga saksi.
Giit pa ng mga kongresista, bukod sa nasasayang na ‘pondo at oras’ ay nakakaladkad din ang integridad ng pamunuan ng Senado.