-- Advertisements --

Pinabulaanan ni Appropriations Committee Vice Chairman Rep. Jil Bongalon ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa maling paghawak ng budget nuong siya pa ang kalihim ng Department of Education.

Dahil dito nananawagan si Bongalon ng accountability at transparency.

Ayon kay Bongalon kung mayruong budget issues bakit ngayon lamang umalma, madali lamang ibato sa iba ang kamalian.

Batay sa naging pahayag ni VP Sara na ang budget ng pamahalaan na idinitalye sa General Appropriations Act ay mali ang paghawak na humahantong sa inefficiencies at hindi nalutas na mga isyu sa iba’t ibang mga departamento.

Ayon sa pangalawang pangulo na bagamat sinubukan niya na i-correct ang nasabing problema hindi siya nakatanggap ng suporta at walang pagbabago.

Hinamon naman ni Bongalon si VP kung bakit hindi nito nagawang ipaabot ang kaniyang alalahanin nuong siya pa ang kalihim ng DepEd.

Tinukoy ni Bongalon ang hindi pa nareresolbang isyu sa ilalim ng liderato ni VP Sara sa DepEd partikular ang poor performance ng Pilipinas sa 2022 Programme for International Student Assessment (PISA).

Sabi ni Bongalon mayruong dalawang taon ang DepEd para pagbutihin ang students proficiency level subalit nananatiling kulelat ang bansa sa buong mundo.