Nais panatilihin ng ilang mambabatas ang banko na tumulong sa mga magsasaka at mangingisda sa kabila ng pag merge ng Landbank at Development Bank of the Philippines.
Hindi umano sila tututol sa pag isa ng dalawang banko basta’t ang trabaho nitong magbigay tulong pinansyal sa farming at fishing ay hindi magagalaw.
“We must stress that Land Bank is duty bound to allocate at least 5 percent of its regular loan portfolio for socialized credit to agrarian reform beneficiaries, small farmers and fisherfolk,” ayon kay House Minority Leader and 4Ps party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan.
Naniniwala naman si Rep. Libanan na pananatilihin ng Land bank ang pagbibigay serbisyo sa borrowing requirements ng micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs) lalo na sa mga probinsya.
Si Pangulong Bong Bong Marcos Jr. ay suportado ang pag merge ng dalawang bangko at ito ang magiging pinakamalaking bangko sa bansa na magkakaroon ng P4.18 trillion assets, ayon sa Finance Secretary Benjamin Diokno.
Ang dalawang bangko ay may kabuoang bilang na 899 branches at 13,600 na empleyado.