Hindi katanggap-tanggap ang ipatutupad na maximum suggested retail price ng Department of Agriculture (DA) na nasa P58.00 kada kilo sa imported na bigas.
Ito ang binigyang-diin ni House Quinta Committee overall chairperson, Albay Representative Joey Salceda.
GInawa ni Salceda ang pahayag sa pagdinig ngayong araw ng Murang Pagkain Super Committee.
Sinabi ni Salceda na masayadonmg mahal ang P58 per kilo na imported na bigas. Napuna kasi sa pagdinig ng Super Committee ang ipatutupad ng Department of Agriculture na maximum suggested retail price o SRP para sa imported na bigas.
Ayon kay Rep. France Castro na hindi solusyon ang maximum SRP para mapababa ang presyo ng bigas.
Aniya, ang kailangan ay “emergency action” upang matugunan ang mataas na halaga ng bigas sa bansa.
Ayon naman kay DA Usec. Asis Perez, as of Jan. 20, 2025 pa epektibo ang naturang maximum SRP, sa Metro Manila.
At dito, wala dapat makitang imported na bigas sa halagang P62.00 kada kilo pataas.
Malalaman aniya kung epektibo ang maximum SRP kapag tuluyan na itong maipatupad ng DA.