-- Advertisements --

mendoza
House Secretary General Marck Llandro Mendoza

All-set na ang House of Representatives o nasa 100% ng handa para sa kauna-unahang state of the nation address ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Lunes, July 25,2022.

Ito’y kahit may kaunting fine tuning na lamang na isinasagawa.

Ayon kay House Secretary General Mark LLandro Mendoza may kaunting physical na pagbabago sa loob ng plenary kaya surpresa ito sa lahat.

Sinabi ni Mendoza na simula bukas July 19,2022 naka semi lockdown na ang Batasan Pambansa sa Quezon City.

Simula naman sa July 21 ay naka total lockdown na ang buong Batasan Pambansa Complex.

Sa pagtupad ng semi lockdown bukas, limitado na ang magiging access sa mga papasok at tanging ang mga mga essential na lang muna ang papapasukin.

Nakipag coordinate na rin anya ang HOR sa ibat ibang ahensya para sa seguridad sa loob at labas ng complex gaya ng PNP at AFP.

Inaasahang aabot sa mahigit 1,300 ang mga bisita sa SONA kabilang ang mga dating pangulo, pangalawang pangulo, mga senador at miyembro ng diplomatic corps.

Sa ngayon, ayon kay Mendoza, nasa 80% na ng mga inimbitahan ang nagpasabi na dadalo sila sa Lunes kabilang si dating Pangulong Joseph Estrada At Gloria Macapagal Arroyo.

Sa mga dadalo, kailangang ipakita ang negative RT PCR test result, vaccine card at ang imbitasyon.

Inihayag din ni Mendoza na magkakaroon ng bubble area at ito ay ang main building ng HOR, ang north wing at south wing.

Lahat ng panauhin na pupunta sa bubble area ay dapat magpakita ng negative rt pcr test result na nakuha at least 24 oras bago ang SONA.

Sa ngayon wala pang desisyon kung magsasagawa pa ng antigen test sa mga bisita sa mismong araw ng SONA.

Samantala, si Direk Paul Soriano ang mag didirect sa SONA at ngayong linggo ay magtutungo sila sa Kamara para sa gagawing dry run.

Sinabi ni Mendoza na review na ni direk Paul ang set up kaya posibleng magkaroon na lamang ng minor adjustment sa gusto nilang ipagawa.

Ang pambansang awit, ay aawitin ng isang grupo mula sa Ilocos.

Wala din ideya si Mendoza kung gaano kahaba ang magiging speech ni Pang. Bongbong Marcos.