Nanawagan ngayon ang pinuno ng House Committee on Metro-Manila Development Chair na si Rolando Valeriano na muli ipatupad ang No Contact Apprehension Policy.
Layon nito na masolusyunan ang problema sa traffic o traffic calamity sa Metro Manila.
Ayon sa kay Rep. Rolando Valeriano, ipaubaya na lamang sa MMDA ang pagpapatupad nito.
Aniya ang ahensya ang may mandato na tutukan ang problema sa trapiko sa Maynila.
Binigyang diin pa ng mambabatas na hindi dapat pribadong kompanya ang mangangasiwa sa No Contact Apprehension Policy.
Kung MMDA aniya ang mangangasiwa dito ay makasisiguro ang publiko na ito ay hindi magiging negosyo.
Umapela rin ang mambabatas sa mga kinauukulan na mag doble kayod para mahuli ang mga pasaway na motorista partikular na ang mga colorum. na public utility vehicle.
Marami pa rin kasi ang bilang ng mga walang prangkisa ang sasakyan ang walang takot na dumaan sa mga kalsada.
Mahalaga rin aniya na malinis ang daan mula sa naumang hambalang partikular na ang Mabuhay lanes na nagsisilbing alternatibong daan ng mga motorista.