-- Advertisements --

Inaprubahan na ng House Committee on Transportation ang isang resolusyon na humihirit kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na irekunsidera ang January 31, 2024 deadline, kaugnay sa consolidation sa ilalim ng Public Utility Vehicle o PUV modernization program.

Matatandaan na inanunsyo ng LTFRB ang “extension” ng unconsolidated PUV franchises hanggang sa katapusan ng Enero.

Sa pagdinig ng komite sa pamumuno ni Antipolo Rep. Romeo Acop, nagmosyon si Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez na aprubahan ang kanyang resolusyon.

Ito ay para mabigyan din pagkakataon ang Department of Transportation o DOTr na masolusyunan ang mga isyu sa implementasyon ng PUV modernization program.

Sinang-ayunan naman ng mga miyembro ng komite ang resolusyon ni Fernandez.