-- Advertisements --

Nakatakdang imbestigahan ng Committee on House Ways and Means ang e-cigarette label na FLAVA para sa posibleng tax evasion at pandaraya sa buwis na tinatayang nagkakahalaga ng P728 million.

Ito’y matapos ma-raid ang isang warehouse na may mga ilegal na imported na e-cigarettes na may tatak.

Nuong October 27,2023 ng ikasa ang raid kung saan nakumpiska ang nasa P1.43 billion halaga ng e-cigarrete.

Siniguro ni House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda na sa lalong madaling panahon sisimulan na ang pagdinig ukol dito.

Ayon sa ekonomistang mambabatas na sa isang warehouse pa lamang ito at malaki ang halaga na excise tax ang iniwasan nitong bayaran.

Dagdag pa ni Salceda na lumilitaw na mali rin ang pagdedeklara ng label sa mga produkto nito bilang freebase vape kaysa sa salt nicotine, dahil ang huli ay binubuwisan sa mas mataas na rate.

Sa ilalim kasi ng Republic Act No. 11467, ang salt nicotine vape ay binubuwisan ng P52 kada milliliter, habang ang freebase ay binubuwisan ng P60 kada 10ML.

“We have received reports of independent testing which appears to confirm that one of FLAVA’s products, Chillax, contains high concentrations of nicotine salts. If that is the case, then they have been paying just about one-tenth of what they should be paying in excise taxes for those products, ”pahayag ni Salceda.

Sinabi ng mambabatas na kanila ng iniimbestigahan ang background ng nasabing kumpanya at ng kanilang produkto.
Binigyang-diin ni Salceda, “80 percent of revenues from vape sin taxes are spent towards universal health care and government hospitals. So, the health impacts of smoking vapes aside, tax evasion in this product is stealing from our hospitals and our sick.”

Ipinunto ng mambabatas na maaring makumpara ang kaso nito sa kaso ng Mighty, kapag napatunayang mayruon itong tax liability at ang ang excise tax na dapat bayaran ay napapailalim sa multa na sampung beses ang halaga sa ilalim ng Section 263 ng Tax Code.

Nabatid na si Rep. Salceda na ang Chair ng House tax committee noong ipinasa ang RA 11467 o ang Vape Tax Law, na siya ring pangunahing may-akda ng panukala.