Binigyan ng 10 araw ng House Comiitee on Ethics and Priveleges si dating Speaker Pantaleon Alvarez na magbigay ng kaniyang komento kaugnay sa complaint na inihain laban sa kaniya dahil sa disorderly conduct ng kaniyang ipinanawagan na magbitiw na ng suporta kay Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Rep. Felimon Espares na siyang committee chairman na ang mga alegasyon ni Alvarez ay isang seryosong asunto.
Naghain kasi ng reklamo sina Tagum City Mayor Rey Uy laban sa naging pahayag ni Alvarez.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Raul Angelo Bongalon, miyembro ng House committee on ethics and privileges na nagkaroon pagpupulong ang ang Komite nuong May 2,2024 at napagdesisyunan ng Komite na muling magpulong matapos ang 10 araw.
Bukod sa nasabing pahayag ni Rep. Alvarez, tatalakayin din ng Komite ang palagiang pag absent ni Alvarez sa Kamara.
Dagdag pa ni Bongalon, ang pahayag ng dating Speaker ay delikado, libelous at seditious.
Sa ngayon nahaharap sa tatlong paglabag si Rep. Alvarez sa harap ng Houth Ethics panel ito ay Code of Conduct of the House of Representatives, disorderly behavior at iba pang batas kabilang ang libel sa ilalim ng Revised Penal Code.
Nilinaw din ni Bongalon na walang halong pulitika ang gagawing imbestigasyon ng House panel laban kay Alvarez.
Aniya, inaksiyunan lamang ng Komite ang reklamo na inihain laban kay Alvarez.
Ang reklamo ay nag ugat sa isang rally ng mga supporters ng mga Duterte sa Tagum City kung saan nanawagan si Alvarez as AFP na magbitaw na ng suporta kay Pang. Marcos.