-- Advertisements --

Dinipensa ni Manila Representative Joel Chua na miyembro din ng 11-man team ng House Prosecution panel hinggil sa naging banat ni Senate President Chiz Escudero sa House of Representatives.

Sa isang virtual press conference kanina, binigyang-diin ni Representative Chua na pasok pa rin sa kanilang rules ang duration o tagal ng proseso ng paghahain nila ng impeachment complaint laban kay VP Sara.

Sinabi ni Chua, batay kasi sa kanilang rules ay kailangang mai-transmit ito ng Office of the Speaker sa loob ng 10 session days.

Paliwanag ng mambabatas na pasok pa rin sa kalendaryo ng house na nagsimula nuong session 27 ang paghain ng impeachment complaint at ito naman ay natransmit sa senado na nasa session 36 ang Kamara so kung bibilangin, pasok ito sa requirement.

Binigyang-diin ni Chua na hindi pupuwedeng iparehas ang obligasyon ng Senado at Kamara dahil sila ang tumatayong piskal na nagbi-build up ng kaso.

Habang ang senado ay magsisilbing mga Huwes o judges.