-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng ilang mga miyembro ng prosecution team na mayroong kapalit na ayuda para sa mga pumirma sa ikaapat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na walang katotohanan na makatatanggap ng ayuda o pondo ang mga kongresistang pumirma sa inihaing impeachment complaint.

Tinawag ni Adioing na isa itong diversionary tactic upang sirain ang integridad ng Kamara at ang mga merito ng ipinasang complaint.

Nanawagan ang Kongresista sa publiko na huwag magpadala sa mga maling balita at sa halip at pagtuunan ng pansin ang mga grounds sa article ofr impeachment.

Ayon kay Adiong hindi hahantong sa ganitong senaryo kung walang nakitang mali.

Nilinaw din ni Adiong na hindi ni-railroad o minadali ang pag-endorso ng ikaapat na impeachment complaint.

Ang paglagda sa 239 na mga kongresista ay maituturing na historic decision.

Aniya nabigyan ang mga kongresista ng kopya ng complaint at sapat na panahon upang kanila itong mapag-aralan.

Samantala, nagpasalamat naman si Congressman Lorenz Defensor kay Pangulong Bongbong Marcos sa pagrespeto sa separation of powers ng Ehekutibo at Lehislatura.

Nirerespeto naman anila ang magiging timeline ng Senado kung kailan ito magko-convene para sa impeachment trial ngunit inaasahan nilang magiging impartial o walang kinikilingan ang mga senator judge.