Itinanggi ng House impeachment prosecutor na si Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang mga alegasyon na sinadyang pagabalin ng Kamara de Representantes ang pag-usad ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte kasabay ng paggiit na dapat na itong aksyunan ng Senado.
Sinabi ni Luistro na kinailangan ng sapat na panahon ng mga miyembro ng Kamara upang magsagawa ng sariling pagsusuri bago makabuo ng isang kolektibong desisyon.
Kinontra rin ni Luistro ang pahayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na walang malakas na sigaw mula sa publiko para sa Senado na mag-convene bilang impeachment court.
Habang kinilala ni Luistro ang awtoridad ng Senado sa impeachment proceedings, nagbabala siya laban sa pagpapawalang-bahala sa sentimyento ng publiko.
Bilang tugon sa mga alegasyon na hindi nabigyan ng due process si Pangalawang Pangulo Duterte, itinanggi ni Luistro ang mga paratang at sinabing sumusunod ang impeachment proceedings sa lahat ng legal na proseso.
Nagbigay rin si Luistro ng matinding mensahe sa Senado at hinimok itong kumilos.