-- Advertisements --

Naghain ngayong umaga sa Senado ang house prosecutors panel ng entry with motion to issue summons kung saan hinihiling sa Senate President na magsisilbing presiding officer sa Impeachment court na maglabas ng summons kay Vice President Sara Duterte.

Layon ng Motion to issue summons ay para obligahin si VP Sara na sagutin ang mga reklamo laban sa kaniya partikular ang articles of impeachment.

Pinangunahan nina Minority Leader Rep. Marcelino Libanan at Rep. Rodge Gutierrez ang paghain ng mosyon na mga miyembro ng 11-man prosecution panel.

Ang nasabing mosyon ay tinaggap ng senado kaninang umaga.

Sinamahan sila nina Rep. Paolo Ortega at Rep. Jay Khonghun.

Si Libanan ay otorisado na lumagda sa lahat ng mga pleading on behalf sa lahat ng mga public prosecutor’s ng House of Representatives.

“We filed a motion for entry with motion to issue summons sa Senado. Ito po ay tungkol sa pag-file ng House ng impeachment noong February 5 laban sa ating Vice President Sara Duterte. At pinirmahin po namin ito noong March 14 na entry with motion to issue summons. Pero hindi namin kaagad na-file dahil ang tingin po namin ay break nila, ” pahayag ni Libanan.

Binigyang-diin ni Libanan na mahalaga ang pag isyu ng mosyon kay VP Sara.