Nagpulong ngayong araw ang House Prosecutors Panel at nag grupo na batay sa articles of impeachment na kanilang hahawakan.
Ayon kay Batangas Representative Gerville Luistro mayroon na silang kaniya-kaniyang hawak na Articles of Impeachment batay sa iniatas sa kanila.
Si Luistro ay kabilang sam agtatalakay sa Article 2 na tungkol sa umano’y paggamit ng confidential funds ni VP Duterte.
Hindi pa naman aniya final ang mga private prosecutor na kanilang makakasama sa paglilitis pero may ilan nang nakasama sa kani-kanilang pagpupulong.
Diin pa ni Luistro na pagkakataon ito para sa kampo ng bise na mailatag ang kanilang defense gayong wala aniya silang nailatag na ebidensya sa kasagsagan ng mga pagdinig sa Kamara.
Umaasa si Luistro na makipagtulungan si VP Sara at ilantad ang katotohanan kaugnay sa maling paggastos ng confidential funds.