Tiniyak ng House Quad Comm leaders na hindi hahayaan ng Komite na mag mura si dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling dumalo ito sa pagdinig.
Ito ang inihayag nina House Quad Comm leaders na sina Santa Rosa Laguna Rep. Dan Fernandez at Manila Rep. Bienvenido Abante.
Ang pahayag ng dalawang lider ay kasunod sa naging sitwasyon sa pagdinig ng Senado kung saan maraming pagkakataon na nag mura ang dating Pangulo.
Sinabi ni Abante na kapag nangyari sa pagdinig ng quad comm na mag mura ang dating Pangulo, agad na ipatupad ng Komite ang Point of Order.
Binigyang-diin ni Abante na hindi katanggap-tanggap ang pagmu-mura ni Duterte lalo at may mga kabataan ang nanunuod at nakikinig sa pagdinig.
Hindi nito papayagan na may mga vulgar na pahayag na masabi sa pagdinig.
Aniya hindi ito dapat pamarisan ng mga susunod na henerasyon.
Sa panig naman ni Rep. Fernandez na hindi nila hahayaan na dungisan ang institusyon ng mga parliamentarians.
Aniya nakakahiya na ang dating Pangulo ng Pilipinas ay nagmumura.
Sabi ni Fernandez na kung mag mura ang dating pangulo kanilang paalalahanin ang dating pangulo.