Ibinasura ng mga lider ng House quad committee ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na “political harassment” ang mga alegasyon laban sa kanyang asawang si Atty. Manases “Mans” Carpio at kapatid na si Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte, dahil nananatili ang kanilang pokus sa pagbubunyag ng katotohanan at hindi paglalaro ng pulitika.
Ayon kay Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano, chairman ng Committee on Public Accounts na kabilang sa Quad Committee na layon lamang ng panel ay imbestigahan ang ugnayan sa pagitan ng Philippine Offshore Gaming Operators, illegal drug trade, at extrajudicial killings nuong Duterte administration.
Dagdag pa ni Paduano na ang kanilang imbestigasyon ay masusi at walang kinikilingan at hindi nila papayagan ang anumang mga pagkagambala na mag alis ng kanilang pagsisikap.
Pinayuhan naman ni Paduano ang mga Duterte na sagutin ang mga alegasyon laban sa mga ito at iwasan ang mga divertionary tactics.
Nilinaw naman ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, Chairman ng Committee on Public Order and Safety, ang kanilang imbestigasyon ay walang target na indibidwal kundi naka base ang mga ito sa mga ebidensiya.
Para kay Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na walang lugar ang political harassment dahil gingagawa lamang nila ang kanilang trabaho.
Ipinunto naman ni Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., chairman ng Committee on Human Rights, na ang kasalukuyang imbestigasyon ay matiyak na no one is above the law.
Ayon naman kay Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop, vice chair ng apat na komite sinabing layon ng imbestigasyon na alamin ang katotohanan at walang panahon para maglaro ng pulitika.