Tiniyak ni Quad Comm lead chair Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang magampanan ang kanilang tungkulin bilang mga mambabatas para makamit ng mga biktima ng extra judicial killings ang hustisya.
Sinabi ni Barbers na hindi natutulog ang hustisya, kanilang ipaglalaban ang lahat ng karapatan, ang karapatang mabuhay ng walang takot,malaya at may dignidad.
Siniguro din ni Barbers na ipagpapatuloy ng Quad Comm na pakinggan ang kwento ng mga biktima at testigo para makamit ang hustisya.
Ayon kay Barbers bukas ang Quad Comm sa mga biktima, kaanak ng mga testigo na nais ibahagi ang kanilang nakakalungkot na karanasan.
Ipinunto ni Barbers na ang mga testigo na haharap sa pagdinig ng Komite ngayong araw ay naging inspirasyon sa ginawa ng Quad Comm hinggil sa Barayuga murder case.
Nilinaw naman ni Barbers na wala silang nais sirain na mga indibidwal kundi wakasan ang pang-aabuso ng kapangyarihan, pagmamalabis, panloloko at pagsasamantala ng mga dayuhan, pagnanakaw sa kaban ng bayan at pagpatay ng walang katwiran, pagsasa alang alang sa karapatang-pantao kapalit ng pangakong salapi, promosyon sa posisyon o pagbabalik serbisyo.
Giit ni Barbers ang pangakong pabuya ang sumira sa mga institusyon at ito ay isang matinding kanse ng lipunan.
Binigyang-diin ng Kongresista na ang saligang batas o ang ating konstitusyon ang nagbigay ng kapangyarihan sa Kongreso na mag-imbestiga upang bumalangkas ng mga batas na magbibigay proteksiyon sa mga mamayan laban sa mga maling gawain.