Inirerekomenda ng House quad committee na sampahan ng kasong kriminal si dating Pangulo Rodrigo Duterte at dating mga aides nito na sina Senator Ronald “Bato” dela Rosa at Christopher “Bong” Go.
May kaugnayan ito sa pagkakasangkot nila sa extrajudicial killings sa nagdaang administrasyon.
Sa progress report ng Quad Committee ay binasa ni quad committee chairperson Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers ay malinaw ang paglabag nila at kailangan sila na sampahan sa ilalim ng Section 6 o other crimes against humanity ng Republic Act 9851 o kilala bilang “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide at ilang Crimes against Humanity.
Kabilang din na inirekomendang sampahan ng kaso sina dating PNP chief Oscar Albayalde , Debold Sinas, dating polic officers Royina Garma, Edilberto Leonardo at Palace aide Herminia “Muking” Espino.
Dagdag pa ni Barbers na noong Nobyembre 13 ng ipinatawag ang dating pangulo ay kinumpirma niya ang pamamayagpag ng reward system na target ang mga drug personalities gamit ang natirang campaign funds para magamit sa reward system.
Kinumpirma rin ni Duterte noong ipinatawag ito sa senado na hinihikayat nito ang mga kapulisan na piliting manlaban ang mga suspeks na nahuhuli para ma-justify ang nasaibng pagpatay.
Isinumite na ng House of Representatives ang findings at recommendations ng Quad Comm sa mga ahensiya para sa karapamtang aksyon.