Kumpyansa ang House Quad Committee na totoo na nagkaroon ng reward system sa war on drugs ng dating administrayong Duterte.
Ayon sa komite, ito ay matapos na patotohanan ng mga naging pahayag ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager at Retired PCol. Royina Garma at iba pang mga resource person na humarap pagdinig ng quad committee ng Kamara.
Sa nakalipas na ika-9 na pagdinig ng komite, pinatutuhanan ni dating NAPOLCOM Chief Col. Edilberto Leonardo ang mga naging salaysay ni Garma matapos ang isinagawang interpolasyon ni Manila Rep. Benny Abante.
Sa naging affidavit ni Garma ay pinatutuhanan nito na totoo ang reward system ng nakalipas na administrasyong Duterte na maging siya ay nakatanggap din ng pabuya.
Matapos ang naging kumpirmasyon ni Leonardo at Garma, sinabi ni Rep. Abante na naniniwala itong may naganap na abutan ng pabuya.
Ayon naman kay Quad Committee overall chair Rep. Robert Ace Barbers ,sa mga nakalipas na pagdinig ng komite ito na ang pinaka inportarteng isyung tinalakay na may kinalaman sa EJKs ng nakalipas na administrasyong Duterte.
Dahil sa mga development na ito, hindi malabong magsimula na ang DOJ na gumawa ng sariling imbestigasyon.