Nag-isyu ng show cause orders ang quad-committee House of Representatives nitong araw ng Biyernes sa ilang mga indibidwal kabilang si Alberto Rodulfo “AR” Dela Serna, ang “executive assistant” ni dating presidential spokesperson Harry Roque, sa ginanap na pagdinig sa Bacolor, Pampanga.
Kabilang si Dela Serna sa mga indibidwal na hinde dumalo sa pagdinig ngayong araw ng Biyernes bilang bahagi sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), illegal drug trade, at extrajudicial killings (EJKs) na may kaugnayan sa war on drugs ng Duterte administration’s.
Hindi naman nakadalo si Atty Harry Roque dahil may scheduled appearance ito sq Manila Regional Trial Court (RTC).
Dahil dito inatasan ng quad-committee ang Secretariat pqra beripikahin ang dahilan ni Roque sa pamamagitan na makipag ugnayan sa RTC.
Kapag hindi totoo maglalabas din ng show cause order ang komite laban sq kaniya.
Si Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano, chair of the House Committee on Public Accounts ang nag, moved para maglabas ng show cause orders.
Ang mosyon ay inaprubahan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng Committee on Dangerous Drugs at nagsisillbing lead chairman ng quad-committee.
Nagpahayag ng pagkabahala ang mga house members sa di pagdalo ng ilang mahahalagang indibidwal.
Ang mga indibidwal na inatasang magpaliwanag ang kanilang pagliban kabilang ang ilang prominenteng indibidwal.
Kabilang sa mga pina summoned ng quad committee sina Acting Mayor Eraño Timbang, mga department heads mula sq Bamban, Tarlac, at mga officials mula sa Hongsheng Gaming Technology Inc., gaya nina Thelma Laranan at Yu Zheng Can.
Kasama din sa show cause orders ang incorporators ng Baofu Land Corporation, kabilang sj dismissed Bamban Alice Leal Guo at Bernard Chua.
Pinagpapaliwanag din ang ilang opisyal mula wq Lucky South 99 Outsourcing Inc. at Lucky South 99 Corp., kabilang si president Julian M. Linsangan III, at ang incorporators ng Whirlwind Corp. na sina Josefina B. Mascarenas at Duanren Wu.