Ikinatuwa ng House Quad Committee ang paglilipat ng detention facility ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo mula sa Camp Crame sa lungsod ng Quezon patungo sa Pasig City Jail.
Ginawa ng House Quad Committee co-chair Dan Fernandez ang pahayag matapos ipag-utos ng Pasig RTC Branch 167 na ilipat sa naturang pasilidad ang dating alkalde.
Si Guo ay nahaharap sa kasong qualified trafficking sa naturang korte at walang iniaaalok na piyansa.
Nahaharap rin sa parehong kaso ang 14 kapwa akusado ni Guo sa naturang Korte.
Sinabi pa ni Fernandez na maaaring hindi na nila ituloy ang paghingi sa kustodiya kay Guo kayong ipinag-utos na ng korte na ilipat ito sa Pasig City Jail.
Nais sana nilang makuha ang kustodiya nito para hindi mabigyan ng PNP ng special treatment si Guo.